Tungkol sa amin...

My photo
Unit 203, Bldg A, Almanza Metropolis Manila Doctors Village St., Almanza, Las Piñas City, Philippines

Tuesday, July 26, 2011

At least three factors that can create a telecom monopoly

In discussions on the imminent buyout of Digitel by Smart (incidentally taking place simultaneously but independently with a similar buyout also involving telecom firms in California), it would seem that the victims of a resulting monopoly are only those companies cut out from the deals, which would be Globe in the Philippines, and reportedly Sprint in California. Overlooked and almost never mentioned in the debates is the sector, actually the most vulnerable, sought to be protected by government regulatory agencies from the harmful effects of a monopoly – the customers.

In the Philippines they are the small-scale businesses that thrived after costs were lowered and new telecom products were introduced following the breakup of the telecom monopoly in the 1990s. Related to this, in recent news reports and discussions, a question is invariably asked: “Why is it alright for Globe Telecom to buy Digitel, and not for PLDT to buy Digitel?”

A little basic arithmetic on the market shares of each party will clarify the matter: had Globe with its current 30-percent market share succeeded in buying Digitel’s 17 percent, it would be holding still a smaller market share – only 47 percent against PLDT’s 53 percent. But with PLDT buying Digitel, the former would corner an enormous 70 percent of market share.

Similarly, in the year 2000 when Globe, with 40-percent overall market share, acquired Islacom’s 2 percent, it ended up holding a total of only 42 percent – still less than the biggest telecom’s then overall market share of 45 percent.

But market share is only one factor; there are allegedly at least two other more important factors that could lead to the possible creation of a monopoly. One of these is the distribution of radio frequencies. Globe claims it has to serve 27.3 million subscribers using only 99 MHz, while PLDT-Digitel will serve 60 million with a grossly disproportionate 372 MHz. In many other countries, it is claimed, no single telecom owns more than 35 percent of the frequency bands.

The other factor is the ease of interconnection and cost of access for each telecom firm. Some believe this factor to be the most critical. A research on actual cases that arose from this matter and called for the intervention of the National Telecommunications Commission or the courts, (since the breakup of the telecom monopoly in the 1990s) and on the present state of interconnection among all telecom companies should easily reveal the varying degrees of willing compliance by every telecom firm.

In the Philippines, it is hoped that the regulatory agency consider all these three factors in making assessments and decisions, to forestall the creation of a monopoly—for the sake of the customers.

—BENJAMIN B. AGUNOD, 
benjamin2914@yahoo.com
Philippine Daily Inquirer
12:03 am | Thursday, July 14th, 2011

Sunday, July 24, 2011

Monopolyo sa Telekomunikasyon – Tutulan! Labanan!

Matatandaang binili ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) ang kumpanyang Digitel na may-ari ng Sun Cellular at kasalukuyang dinidinig sa tanggapan ng National Telecommunications Commissions (NTC). Kung sakaling payagan ng NTC ang naganap na bilihan, mabubuo ang monopoly ng PLDT-Digitel na magdudulot ng problema sa ating bansa sa serbisyo ng komunikasyon.

Ang PLDT ay kasalukuyang nagmamay-ari ng SMART Telecom na may pinakamalaking subscribers sa buong bansa. Kung idadagdag pa ang Digitel, makukuha nila ang 70% ng merkado at 77% ng prangkisa sa telecom industry. Mawawalan ng puwang ang iba pang negosyo sa industriyang ito, wala nang kompetisyon, madidiktahan nila ang presyo at kalidad ng serbisyo at manganganib ang karapatan nating mga konsyumer.

Higit na nakakabahala ay karamihan sa mga monopolyo sa ating bansa ay pag-aari ng mga dayuhan Ayon sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema nito lamang Hulyo 2011, higit pa sa 40% ng PLDT ay pag-aari na ng mga dayuhan. Ito ay labag sa ating Saligang Batas na nagtatakda ng 40% foreign ownership limit.

Nagpipyesta na naman ang mga gahamang negosyante at kapitalista tulad ng may-ari ng mga kumpanyang PLDT-Smart Telecomm. Nanunumbalik na muli ang mga kartel, monopolyo at iba pang anyo ng kontrol ng iilang mayayaman sa industriya at ekonomiya ng bansa. Ang mga pangunahing serbisyo tulad ng telekomunikasyon, kuryente, tubig, shipping at mga batayang produkto tulad ng bigas at asukal ay ilan sa mga kailangang bantayan ng pamahalaan upang tiyaking ang mga ito’y abot-kaya at kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan.

Hindi dapat palagpasin ng mga ahensiya ng pamahalaan, lalo na ang NTC, ang ginawang ito ng PLDT-Smart at Digitel-Sun. Si Pangulong Noynoy Aquino mismo ay nagsabing ayaw nya ng kartel at monopolyo. Ngayon na ang panahon upang makialam ang Presidente at Department of Justice upang proteksiyunam ang mamamayan laban sa monopolyo. Huwag nating ibalik ang madilim na nakaraan ng monopoly sa panahon ng diktadurang Marcos.

Tutulan at labanan ang panunumbalik ng monopolyo sa ating bansa!

No to Telecom Monopoly!

NTC, DOJ, P-NOY Proteksiyunan ang consumers at mamamayan, hindi ang iilang negosyante!

Lumahok sa piket protesta sa NTC at ibang ahensya ng pamahalaan!

Magkaisa para sa kapakanan ng taumbayan!

Sumama at makiisa sa SLaM Hour! Patayin ang inyong cellphone, huwag mag-text o tumawag sa loob ng isang oras, ganap na 12:00 ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon, sa araw mismo ng SONA ni PNoy sa Hulyo 25.

Wednesday, July 13, 2011

Consumer group calls for protest vs telco monopoly

By Carmelle Marie Harrow
Tuesday, July 12, 2011

A GROUP in Davao City is urging Dabawenyos to turn off their cellphones during the State of the Nation Address (Sona) of President Benigno Aquino III on July 25 to show dissent against a looming monopoly in the telecommunications industry.

The Samahan Laban sa Monopolyo (Slam) is calling on the cooperation of Dabawenyos between 12 noon and 1 p.m. of July 25 dubbed "Slam Hour."

Slam organized a People's Forum Tuesday at the Mandaya Hotel to discuss the imminent control of 77 percent telecom frequencies in the country due to PLDT's acquisition of the majority of telecommunication franchise with its merger with Digitel-Sun Cellular.

Participants of the forum agreed to join the Slam Hour and will hold an assembly on July 25, together with students and teachers from Ateneo de Davao University and University of Mindanao to coincide with the nationwide Slam Hour.

"Frequency is an open market and dominating 77 percent of the market share, hindi tama yun, dapat there should be a 50 percent available free market and allow free interconnection," said Epee Casuncad of Slam.

He added that the government should do its job in protecting the free market because people would have no choice if monopoly prevails.

"Bandwidth is a new form of technology, at kung iisang kumpanya mag-dodominate nito parang ginagaya nila ginawa ng AT&T in the States, and PLDT is trying to accomplish that. They should level the playing field," said Jess Sandow, Slam convenor.

Casuncad explained during the forum to the participants the impact of the monopoly in the telecommunication industry.

He said PLDT's dominance can become the sole service provider and that without competition, consumers will not have a choice to get the best price and quality service for their money.

"Nakalaya na tayo noong panahon ng diktadurya and it's coming back again in another form. Kung walang mapoprotect ng consumers, paano natin malalabanan to? And it's going to hit our people. We should be vigilant." Casungcad said.

The National Telecommunications Commission (NTC) is conducting hearings about the merger application of PLDT and Digitel and that the decision is to be released soon.

"Let's just hope that the new DOTC (Department of Transportation and Communication) can do something about this, because the government should regulate this and NTC should know better," Casuncad added.


Published in the Sun.Star Davao newspaper on July 13, 2011.
Source URL: http://www.sunstar.com.ph/davao/local-news/2011/07/12/consumer-group-calls-protest-vs-telco-monopoly-166485

Monday, July 11, 2011

Monopolyo 102


Ayon sa mga aklat, ang monopolyo ay control ng nag-iisang korporasyon sa isang partikular na industriya.

Kung by the word na susundin ang sinasabi ng aklat, tumpak sa bihingang claim na monopoly ng mga grupong katulad ng SLaM ay haka-haka at likhang malilikot na guni-guni ng mga taong tutol sa merdyer ng PLDT at Digitel.

Siyanga ba?

Mas mainam na isalaysay ang aking punto gamit ang maka-uring relasyon ng PLDT at ng katunggali nito sa industriya ng telekomunikasyon na pinapangunahan ng Globe Telecom.

You see, ang PLDT at Globe ay parehong nasa iisang bubong: ang bubong ng kapitalismo sa bansa.  Ang bawat isa ay kasalukuyang nasa gitna ng maigting na kompetisyon.  At bagamat minsa’y kinakatangian itong panaka-nakang black propaganda ng bawat isa laban sa isa’t-isa, mahalagang ilagay sa ating isipan na ito ay simpleng tunggalian ng isang magkapatid, being capitalism as their mother.

Mahalagang isa-isip kung gayon na ang tunggaliang nagaganap sa pagitan nila ay isang porma lang ng pag-aagawan ng rekurso at ng merkado (radio frequency at saklawna consumer).  At bagamat wastong bantayan ang posibilidad ng pagkakaroon ng monopolyong PLDT kapag natuloy ang pagsakop nito sa Digitel, mas wastong huwag nating kakalimutan ang magmasid sa mga kaganapan sa likod ng isyung merdyer.

Ang merdyer na ito, bagamat iligal, ay isang pormang taktikang dibersyon.  Isang taktikang naglalayo sa atensyon ng taumbayan sa tunay na isyu.

Ang tunay na isyu: monopolyo.  At bagamat hagip nito ang posibilidad na pagkontrol ng PLDT sa industriya, ang binabanggit ko ay ang magaganap na monopolyo immediately after the finalization of the PLDT-Digitel merger.

You see, may mali tayo sa pag-unawa sa depinisyon ng monopoly ayon sa sinasabi ng mga teksto.  Ang solong kontrol ay ipinagkakamali nating solong entidad lamang. Nasa ating bansa ang malinaw na patunay nito: ang kartel ng tatlong malalaking korporasyon ng langis.

Ang monopoly kasi, sa praktika, ay kahalintulad ng kartel.  Ang kartel ay isang monopoly ng isang grupo ng negosyo sa isang particular na industriya.  Sa kartel, wala nang nagaganap na kompetisyon dahil iisa lang ang presyong itinatakda nila sa kani-kanilang mga produkto.  At para hindi mahalata, sadyang pinapababaan o itinataas ng isa sa grupong ito ang presyong kanilang produkto.  Pero hindi nila ito ikakalugi.  Ang layunin lang ay maka-create ng larawan ng kumpetisyon at matanggal ang anumang duda sa pagkakaroon ng monopolyo.

Kaya sa likod ng mga naririnig nating pagtutol ng Globe ay ang awit ng kasiyahang magkapanabay nilang kinakanta ng PLDT.  Pag dalawa na lang silang major player, mas madali na ang pagtatakda ng control sa presyo at serbisyo.  At dahil siguradong may 29% ng radio frequency ang Globe, sigurado ring hindi sila mauubusan ng consumer.


Ito ang dapat nating bantayan. Ang magaganap na monopolyo ng dalawa habang hinihintay natin ang kaganapan ng monopolyo ng isa.