Ayon sa mga aklat, ang monopolyo ay control ng nag-iisang korporasyon sa isang partikular na industriya.
Kung by the word na susundin ang sinasabi ng aklat, tumpak sa bihingang claim na monopoly ng mga grupong katulad ng SLaM ay haka-haka at likhang malilikot na guni-guni ng mga taong tutol sa merdyer ng PLDT at Digitel.
Siyanga ba?
Mas mainam na isalaysay ang aking punto gamit ang maka-uring relasyon ng PLDT at ng katunggali nito sa industriya ng telekomunikasyon na pinapangunahan ng Globe Telecom.
You see, ang PLDT at Globe ay parehong nasa iisang bubong: ang bubong ng kapitalismo sa bansa. Ang bawat isa ay kasalukuyang nasa gitna ng maigting na kompetisyon. At bagamat minsa’y kinakatangian itong panaka-nakang black propaganda ng bawat isa laban sa isa’t-isa, mahalagang ilagay sa ating isipan na ito ay simpleng tunggalian ng isang magkapatid, being capitalism as their mother.
Mahalagang isa-isip kung gayon na ang tunggaliang nagaganap sa pagitan nila ay isang porma lang ng pag-aagawan ng rekurso at ng merkado (radio frequency at saklawna consumer). At bagamat wastong bantayan ang posibilidad ng pagkakaroon ng monopolyong PLDT kapag natuloy ang pagsakop nito sa Digitel, mas wastong huwag nating kakalimutan ang magmasid sa mga kaganapan sa likod ng isyung merdyer.
Ang merdyer na ito, bagamat iligal, ay isang pormang taktikang dibersyon. Isang taktikang naglalayo sa atensyon ng taumbayan sa tunay na isyu.
Ang tunay na isyu: monopolyo. At bagamat hagip nito ang posibilidad na pagkontrol ng PLDT sa industriya, ang binabanggit ko ay ang magaganap na monopolyo immediately after the finalization of the PLDT-Digitel merger.
You see, may mali tayo sa pag-unawa sa depinisyon ng monopoly ayon sa sinasabi ng mga teksto. Ang solong kontrol ay ipinagkakamali nating solong entidad lamang. Nasa ating bansa ang malinaw na patunay nito: ang kartel ng tatlong malalaking korporasyon ng langis.
Ang monopoly kasi, sa praktika, ay kahalintulad ng kartel. Ang kartel ay isang monopoly ng isang grupo ng negosyo sa isang particular na industriya. Sa kartel, wala nang nagaganap na kompetisyon dahil iisa lang ang presyong itinatakda nila sa kani-kanilang mga produkto. At para hindi mahalata, sadyang pinapababaan o itinataas ng isa sa grupong ito ang presyong kanilang produkto. Pero hindi nila ito ikakalugi. Ang layunin lang ay maka-create ng larawan ng kumpetisyon at matanggal ang anumang duda sa pagkakaroon ng monopolyo.
Kaya sa likod ng mga naririnig nating pagtutol ng Globe ay ang awit ng kasiyahang magkapanabay nilang kinakanta ng PLDT. Pag dalawa na lang silang major player, mas madali na ang pagtatakda ng control sa presyo at serbisyo. At dahil siguradong may 29% ng radio frequency ang Globe, sigurado ring hindi sila mauubusan ng consumer.
Ito ang dapat nating bantayan. Ang magaganap na monopolyo ng dalawa habang hinihintay natin ang kaganapan ng monopolyo ng isa.
Ito ang dapat nating bantayan. Ang magaganap na monopolyo ng dalawa habang hinihintay natin ang kaganapan ng monopolyo ng isa.
No comments:
Post a Comment