Tungkol sa amin...

My photo
Unit 203, Bldg A, Almanza Metropolis Manila Doctors Village St., Almanza, Las PiƱas City, Philippines

Wednesday, June 8, 2011

KASALANG SMART-SUN: SINO ANG NAGDIRIWANG?

Sa kulturang mga Pinoy, lagi nang sinasalubong ng pagdiriwang (handaan, sayawan, kantahan, inuman) ang bawat kasalan sa pamayanan.

Ang kasal kasi, ay hindi lang sumisimbulo sa pormal na pagbubuo ng bagong pamilya, ang batayang yunit ng pamayanang Pilipino, bagkus ay palatandaan ito ng pag-iisa ng mga komunidad.  Pag-iisa ng mga pamilyang kinabibilangan ng bawat ikinakasal.

Sa kasalukuyan ay nananatiling epektibong paraan ang kasalan para sa pagpapalawak ng saklaw ng isang pamilya o komunidad, na nagreresulta sa obvious na paglawak din ng saklaw ng pabor, o impluwensyang maaaring ma-enjoy ng bawat kasapi ng pamilya ng lalaki at ng babaeng ikakasal oras na ma-formalize ang kanilang pag-iisang dibdib.  Yun nga lang, hindi na ito gaanong ka-pronounced ngayon, bagamat ganun pa rin ang direksyong tinatahak ng bawat kasalan sa kasalukuyan.

Halimbawa, kung ang magulang ng napangasawa ng isa ay doktor, otomatikong mai-enjoy ng kabilang partido ang serbisyo o network ng mga ito sa oras ng pangangailangan, nang hindi nadadaan sa mahabang proseso o kaya’y ng may discount o dilikaya’y libre.

Ganun din sa paghahanap ng trabaho.  Kung ang bilas mo ay manedyer ng isang malaking kompanya, natural nauunahin niyang bigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang iyong kamag-anak na iyong mairerekomenda sa kanya.

At kung maaabot lang ng kani-kanilang mga manunulat ang ganitong pagtanaw, ganito ang larawang nais ipinta ng PLDT at Digitel sa isipan nating mga Pilipino.

Ang merdyer nila ay isang “pag-iisangdibdib” na magbibigay ng mas magandang serbisyo sa mga “kapamilya” nila. Mula sa kabuuang 110.5 Mhz radio frequency spectrum allocation ng Smart, magiging 372 Mhz na ito pag natapos ang “kasalan”. Sa mga pahayag na lumalabas sa mga pahayagan nitong mga nakaraang linggo at buwan, ipinangangalandakan ng PLDT, ang kumpanya sa likod ng Smart na ang pagbili nila saDigitel ay mag reresulta sa mas magandang serbisyo sa bawat subscriber ng dalawang entidad.

Ang mga lugar na dating nahihirapan sa signal ng Sun ay magkakaroon na ng mas malinaw na signal.  Magiging ‘nationwidesest’ pa sila sa pagsasanib na ito.

Sa biglang tingin, maganda nga ang prospect ng ‘kasalang’ ito.  Pero, gaano kalaki ang porsyento ng katotohanan sa mga claim na ito?

Noong unang panahon, ang kasal ay seremonyas ng pag-iisa ng mga kaharian at pagpapatatag ng mga yunit na nasasakupan nito.  Ang kasalan noon ay isang political practice.  Kaya kung mapapansin ninyo, walang kasalang nagaganap sa mga alipin.  At may mga kasalang magkakapamilya din lamang ang nagiging magkabiyak, isang praktikang pagpepreserba ng mga malalaking pamilya sa kanilang kapangyarihang pampolitika at pang-ekonomiya.

Walang lumalayang alipin sa bawat pagsasanib ng mga kaharian.  Ang tanging katotohanan ay ito:  lumalawak ang kanilang sakop at kapangyarihan, at dumadami ang bilang ng kanilang mga pag-aaring alipin.

Ang pagbili ng PLDT sa Digitel ay may isa pang pang-ekonomikong undertone.  Kasabay ng pagkuha nila sa Sun ay ang pag-aari na nila ngayon sa mahigit 15 million subscribers nito dati.  Labinlimang milyong Pilipinong mananatiling panggagalingan ng sobrang kita ng kakamalin ng PLDT pag nagging pormal na nilang pag-aari ang Digitel.

Labinlimang milyong karagdagang alipin.  At kung kasama ka sa mga ito, mag diriwang ka ba kabayan?

by: Ding Loguibis
Kontribyutor

No comments:

Post a Comment