by Meliza Maluntag
for Remate
May 23, 2011
ILIGAL ang pagsasanib ng PLDT-Digitel kung hindi ito dumaan sa Kongreso.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na hindi lamang nawala ang kompetisyon kung tataas din ang serbisyo ng telecommunication sa tuwirang pagsasanib ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Digital Telecommunications Philippines, Inc. (Digitel) ang operator ng Sun Cellular.
Ani Casiño: “Digitel is not Mang Inasal that can be sold to any Tom, Dick or Harry. It is always subject to the limitations of its congressional franchise and the national interest. PLDT already owns Smart Communications Inc., Red Mobile, and Piltel.”
Kung pinayagan aniya ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagbili ng PLDT sa Digitel ay nangangahulugan na hawak na ng PLDT ang 70 porsiyento ng cellular mobile market.
Ito ay nangangahulugan na nasa 30 porciento na lamang ang hawak ng Globe Telecom.
Ayon kay Casino, ang tuwirang monopolya na ipinagbabawal sa Saligang Batas ng 1987.
sna pag aralan muna ang batas before mag decide! wag nman pairalin nlang plagi ang pera! mga myyman lalong nagppyaman, habang ang mga mhhirap lalong naghihirap at nalulugmok s khirapan dhil s mga myayamang gahaman s salapi at kapangyarihan!!!
ReplyDelete